City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que, personal na tinungo ang isinagawang tree planting activity sa Sanitary Land Fill ng LGU Tuguegarao
2023-06-21 10:57:48posted by :
Personal na tinungo ni City Mayor Maila Rosario S. Ting-Que ang isinagawang tree planting activity sa Sanitary Land Fill ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao sa barangay Carig Norte ngayong araw, ika-21 ng Hunyo, 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ni CENRO OIC Marcelino Gumabay, kung saan nasa 300 na mga narra, mangium, siar at fruit bearing trees ang itinanim sa bagong inayos na sanitary land fill ng Lungsod.
Nakilahok sa tree planting activity ang mga benepisyaryo ng TUPAD at maging ang mga "would be couples," kung saan isa ito sa mga kinakailangan o requirement para sa kanilang Marriage Application.
Bukod sa mga nabanggit na grupo, nakilahok din sa naturang aktibidad ang nasa 100 personnel ng Cagayan Valley Medical Center, sa pamumuno ni Medical Center Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, bilang bahagi ng kanilang aktibidad sa ika-78 anibersaryo ng CVMC ngayong buwan.
Kabilang sa mga department heads na lumahok dito ay kinabibilangan nina Dr. Angel Cayetano Head of HEMS, Engineering Section Head Engr. Cirilo Carag, Chief Finance Officer Noell Arnedo, Chief Administrative Officer Fely Centeno, Dietary Section Head Bernadette Bartolome, Asst. Chief Nurse Basilica Hamlic at Chona Lim.
Kasama rin sina HEPO Head Rachelle Cabantog, Chief Medical Professional Staff Dr. Cherylou Antonio, Chief Nurse Jocelyn Sorita, Executive Assistant IV Dr. Roderick Ramirez ng Office of the Mayor at mga miyembro ng BFP Tuguegarao.
Samantala, malugod na ipinaabot ni Mayor Maila ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng mga lumahok sa nabanggit na aktibidad, kasabay ng kaniyang pagbati sa pamunuan ng CVMC sa kanilang anibersaryo.
"Your presence here now is showing the government we're not alone in the fight for environmental protection of the city as well as the residents", dagdag pa ng Alkalde.
Kaugnay nito, nagpasalamat din ang pamunuan ng CVMC sa LGU Tuguegarao sa suporta nito para sa pangongolekta ng kanilang mga basura.