Mag-aaral ng USLT, binigyang pagkilala ng LGU Tuguegarao, bilang kauna-unahang awardee ng “Neeruma nga Tuguearaoeño Award for Excellence”
2023-06-20 10:56:48posted by :
Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlungsod ng Tuguegarao ang mag-aaral ng University of St. Louis Tuguegarao na si John Anthony de Asis, bilang kauna-unahang awardee ng “Neeruma nga Tuguegaraeño Award for Excellence” ngayong araw, Hunyo 19 kasabay ng isinagawang flag raising ceremony na ginanap sa City Hall grounds.
Personal na iginawad ni City Mayor Maila Ting-Que ang plaque of commendation kay De Asis bilang pagkilala sa kaniyang kahusayang ipinamalas sa katatapos lamang na Hong Kong International Mathematical Olympiad Heat Round, kung saan nakuha nito ang Silver Medal Award.
Ang naturang pagkilala ay iginagawad sa bawat Tuguegaraoeño sa iba’t-ibang institusyon dito sa lungsod, upang kilalanin ang kanilang kahusayan at pagbibigay karangalan sa siyudad ng Tuguegarao.
Kasama ni De Asis na tumanggap sa naturang award si Senior High School Department Principal Claire Gumarang maging ang kaniyang pamilya at kamag-anak.