"Aso Mo, Itali Mo" Program ng City Veterinary Office, inilunsad sa barangay Tanza
2023-06-15 10:52:52posted by :
Isinagawa nitong Miyerkules, Hunyo 14 ang launching ng programang "Aso Mo, Itali Mo" ng City Veterinary Office sa barangay Tanza.
Pinangunahan ni Animal Population Regulation Section Head Rey Ferrer ng nasabing tanggapan ang paglunsad nito, kasama si Punong Barangay Lucas Ballad na nagpahayag ng kaniyang suporta sa programang nabanggit.
Muling ipinaalala ni Ferrer na sinumang mahuhulihan ng pagala-galang aso ay pagmumultahin ng ?200 pesos at ?50 pesos na impounding fee kada araw.
Binigyan diin din nito na ang programang ito ay shared responsibility, kung saan hindi lamang ang mga opisyal ng pamahalaan kundi lahat ng sektor sa lipunan ay magtulungan para sa implementasyon ng RA 9482 o "Anti-Rabies Act of 2007".